Saturday, July 09, 2011

buhay na sasaktan

                Simple lang naman ang buhay ko kumain, matulog, pumasok sa eskwelahan kagaya ng dati walang pag babago sa aking kinakaroonan kundi mabuhay ng kompleto sa aking kinakalagayan.. isa lamang ang pinaka ayaw ko ang masaktan at mawalan ng tiwala..

               Isa akong dalagang na na hulog sa pag-ibig ni nimo man ay hindi ko akalain na ako'y mahuhulog sa matalim na sakit na naidulot nito.. hindi ko akalain ito pala ang kinalabasan ng sobrang pagmamahal, akala mo manhid pero nasasaktan na pala, akala mo masaya pero merong dinaramda.
Siguro nga naman tao lang kaming nag mamahal normal na nasasaktan sa mga dahilan na kaylangan indindihin sa buhay, hindi natin alam kung sinong tama o mali, hindi rin natin alam kung kay sino tayo maniniwala. pero ang pag sabihan ka ng galing mismo sa isang taong malakas ang loob para lang sabihin lahat nga init ng ulo, kulo ng dugo, inis at galit. lahat ng yun ay hindi ko inaakala na lalabas sa iyong mga isipan. masakit pero tatangapin, hayaan nang maging manhid maayos lang ang lahat.

              Isa lamang ako sa mga halimbawa kung paano na sasaktan. Malungkot, umiiyak, nakatulala, malayo ang tingin, hindi alam kung anong gagawin, magulo ang isip, tahimik sa isang lugar, dinadamdam, iniisip sabay sa tahimik na lugar. lahat ng ito ay hindi maganda sa kalusugan lalo na ang pag papahaya sa sarili, sakit lahat ang nararamdaman sa lungkot na naranas. hindi natin alam kung kelan mapapawi ang mga sakit at kung kelan humilom ang mga sugat.. pero merong mga paraan kung paano nga ba natin susulosyonan ang mga bagay na darating sa ating buhay. ako isang babae na nahulog sa pag-ibig, akala mo kayo na habang buhay pero hindi pala.. 

No comments:

Post a Comment